Umiwas muna si Senador Sherwin Gatchalian na magkomento kung ang kanilang kumpanya ang natira sa reclamation projects sa Manila Bay.
Sa kanyang press briefing sa Senate Media, sinabi ni Gatchalian na hindi siya direktang nakikialam sa transaksyon ng kanilang kumpanya kaya’t unfair na magkomento siya nang hindi niya alam ang detalye.
Kasabay nito, sinabi ng senador na hihintayin din muna nya ang mga datos at pag-aaral sa kaugnayan ng reclamation projects sa pagbaha sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga.
Iginiit ng senador na lahat naman ng bagay ay dapat science at data based kaya’t pag-aaralan nya muna ito.
Tiniyak naman ni Gatchalian na nirerespeto nya angopinyon ng kanyang mga kasamahan sa Senado partikular sa mga galit sa reclamation projects. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News