![]()
Aminado si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na sobrang higpit ng kanilang oras para talakayin at tapusin ang panukalang 2026 national budget.
Sa inilatag na schedule ni Gatchalian, bukas isasagawa ng mga senador ang period of amendments, at sa Miyerkules ay inaasahang maipapasa sa second reading ang panukalang budget.
Sa Martes, December 9, nakatakda naman itong maaprubahan sa Senado sa third and final reading bago simulan ang tatlong araw na bicameral conference committee mula December 11 hanggang 13.
Target ng Senado na maratipikahan ang bicam report sa huling araw ng sesyon sa December 17 at mapapirmahan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa December 29.
Aminado si Gatchalian na may pangamba sa posibilidad ng reenacted budget, ngunit tiniyak nitong ginagawa nila ang lahat ng kinakailangang adjustments sa schedule upang matapos ang budget on time.
