dzme1530.ph

Sen. Estrada, walang balak maging interim Senate President

Loading

Tahasang sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada  na wala siyang balak maging interim Senate President sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa June 2.

Sinabi ni Estrada na walang saysay na palitan pa si Senate President Francis Escudero sa nalalabing dalawang linggo ng 19th Congress.

Kinumpirma naman ng senador na may mga impormasyong lumulutang na isa siya sa posibleng pumalit kay Escudero.

Binigyang-diin ni Estrada na kung anuman ay tatanggihan niya ang posibleng alok na pamunuan niya ang Senado.

Samantala, aminado si Estrada na posibleng hindi siya tawagan ni Senator-elect Tito Sotto III dahil alam nitong siya ay malapit kay Escurdero bilang pangalawang pinakamataas na opisyal sa Senado.

About The Author