Duda si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na kikilalanin ng China ang pagsama ng Google Maps sa West Philippine Sea sa teritoryo ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Estrada na kung ang desisyon ng International Tribunal sa The Hague, Netherlands ay hindi kinilala at iginalang ng China ay posibleng hindi lalo tanggapin ng China ang desisyon ng google maps.
Kaya ang magagawa aniya ngayon ay subukan at tignan kung makakatulong ito sa pagpalakas ng claim ng ating bansa sa WPS.
Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na malaking tagumpay para sa atin ang pagkilalang ito ng Google maps.
Patunay aniya ito na nasa tamang direksyon ang bansa sa pakikipaglaban para sa ating teritoryo.