dzme1530.ph

Sen. Estrada at Villanueva, handang lumagda sa waiver sa bank secrecy

Loading

Tiniyak nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Joel Villanueva na handa silang lumagda sa waiver para buksan ang kanilang bank records, kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects.

Ginawa ni Estrada ang pahayag matapos kwestyunin ang paulit-ulit na paglilipat ng kulungan kay DPWH Bulacan 1st District Engineer Brice Hernandez, na tinawag niyang habitual liar at pangunahing suspek sa katiwalian.

Muli ring napamura si Estrada nang akusahan siyang tumatanggap ng SOP, bago agad humiling na burahin ito sa record.

Samantala, sa panayam kay Villanueva, sinabi niyang noon pa man ay bukas na siya sa pag-waive ng bank secrecy para mabulatlat ang bank records ng mga opisyal.

About The Author