dzme1530.ph

Sen. Escudero, totoong na-ospital ayon sa kapatid

Kinumpirma ngayon ni Sorsogon Rep. Marie Bernadette Escudero, na totoong na-high blood at na-ospital ang kanyang kapatid na si Senator Francis Chiz Escudero.

Ayon sa kongresista, nasa maayos ng kalagayan ang kaniyang kuya ngayon.

Kwento ng mambabatas, dalawang linggo na ang nakararaan umuwi ng Sorsogon si Sen. Chiz subalit tumaas ang blood pressure nito dala marahil ng matinding init ng panahon kaya agad itong nagpadala pabalik ng Maynila sakay ng helicopter para magpa check-up.

Una nito kumalat ang balita na in-airlift ang senador mula Sorsogon hanggang sa Manila, kaya lumakas ang espekulasyon na malubha ang sakit nito.

Ayon pa kay Congw. Escudero, kinausap niya ang kaniyang kuya at hinimok na magsalita sa publiko para ipaalam ang nangyari sa kanya.

Bwelta naman umano ni Sen. Chiz, hindi naman siya Presidente na kailangang mag-paliwanag sa taongbayan kung anong nangyari sa kanya, dahil siya ay isa lamang senador.

About The Author