dzme1530.ph

Sen. Escudero, nakapagsumite na ng sagot sa Comelec kaugnay sa pagtanggap ng donasyon mula sa contractor

Loading

Kinumpirma ng abogado ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na nagsumite na sila ng paliwanag sa Commission on Elections kaugnay sa pagtanggap niya ng donasyon mula sa kaibigang contractor.

Ayon kay Atty. Ramon Esguerra, legal counsel ni Escudero, naisumite na nila kaninang umaga sa Comelec ang kanilang written explanation, kahit hanggang bukas pa ang deadline nila para sa pagsusumite ng sagot.

Sinabi ni Esguerra na ito ay bilang paggalang nila sa proseso ng Comelec.

Nanindigan ang kampo ng senador na ang naturang donasyon na tinutukoy sa reklamo ay dumaan sa tamang proseso at idineklara ayon sa umiiral na mga patakaran ng batas at ng Comelec.

Tiwala rin ang kampo ng senador na mapapawalang-saysay ang mga alegasyon laban sa kanya matapos masuri ng komisyon ang lahat ng ebidensiya.

About The Author