dzme1530.ph

Sen. Erwin Tulfo, posibleng maging chairman ng Blue Ribbon Committee

Loading

Kung walang tatanggap sa pagiging bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, awtomatikong aakyat sa posisyon ang vice chairman ng komite na si Sen. Erwin Tulfo.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos na tatlo sa limang pinagpipilian para humalili kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay tumanggi o nagpahayag na hindi interesado sa naturang posisyon.

Ayon kay Sotto, sina Senators Raffy Tulfo, JV Ejercito, at Kiko Pangilinan ay nagpahayag na hindi nila nais pang mamuno sa Blue Ribbon Committee.

Samantala, wala pang pahayag sina Senators Risa Hontiveros at Pia Cayetano hinggil sa isyu.

Para kay Sotto, may expertise si Sen. Erwin Tulfo sa investigative journalism at kilala rin siyang matapang. Magagamit aniya niya ang mga katangiang ito sa paghawak ng mga imbestigasyon ng komite.

Samantala, umaasa pa rin sina Senators Pangilinan at Ejercito na magbabago ang isip ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson at manatili bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.

Gayunman, ayon kay Lacson, “pinal na” ang kanyang desisyon na bumitiw sa puwesto.

About The Author