![]()
Tuloy lang sa trabaho.
Ito ang tiniyak ni Se. Erwin Tulfo sa kabila ng inihaing quo warranto petition laban sa kanya ng isang disbarred na abogado sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Sa pagtalakay ng panukalang budget sa Senado, kinumpirma ng SET na mayroong quo warranto petition na nakahain laban kay Tulfo na isinampa noong Hulyo 15 dahil sa kwestyon sa kanyang nationality, subalit hindi pa naitatakda ang pagdinig kaugnay nito.
Ang petisyon ay inihain ni Berteni Causing, na una na ring paulit-ulit na nagsampa ng disqualification case laban kay Tulfo noong panahon ng kampanya.
Sinabi ni Tulfo na hindi na niya ikinagulat ang panibagong petisyon, kasabay ng pagbibigay-diin na lahat ng naunang kaso na inihain laban sa kanya ni Causing ay naibasura na.
Iginiit ng senador na inihalal siya ng taumbayan upang maglingkod, at iyon aniya ang patuloy nitong ginagawa.
