![]()
Pinayuhan ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magtagong mabuti, lalo na kung wala siyang intensyon na sumuko.
Kasabay nito, pinayuhan din ni Lacson ang law enforcement agencies na hanapin si dela Rosa sa sandaling mayroon nang warrant of arrest laban sa kanya.
Sinabi ni Lacson na nagkaroon din sila ng maikling biruan sa chat, kung saan sinabi ni dela Rosa na hihigitan niya ang pagtatago noon ni Lacson.
Ngunit sa ngayon, wala pang warrant of arrest si dela Rosa.
Hindi rin tiyak ni Lacson kung mayroong sanction sa kanilang rules para sa mga panay na absent na senador.
