dzme1530.ph

Sen. dela Rosa, papayuhang pumasok na sa Senado

Loading

Kung sakaling makakausap ni Senate President Tito Sotto si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, papayuhan niya ito na pumasok na sa Senado.

Sinabi ni Sotto na simula nang magbalik-sesyon ang Senado nitong Nobyembre 11, hindi pa tumatawag sa kanya si dela Rosa.

Maging sa kanilang group chat, ani Sotto, wala ring paramdam si dela Rosa, subalit maaaring nababasa nito ang kanilang usapan ngunit hindi nagre-react.

Kung sakaling makikipag-ugnayan siya, sasabihan ni Sotto si dela Rosa na pumasok na, lalo na’t mabibigat ang mga kumite na naiwan niya.

Tiniyak ng Senate President na may gagawin ang liderato ng Senado para kay dela Rosa, gaya ng proteksyon na ibinigay noon ng institusyon kina dating Senador at ngayo’y Kongresista Leila de Lima at dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Ipapatupad ng mataas na kapulungan ang umiiral na rules para sa mga senador na nahaharap sa kaso.

About The Author