Tiwala si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi masisimot ang confidential ang intelligence fund (CIF) ng mga civilian agencies sa ilalim ng 2024 budget.
Ito ay kasunod ng pahayag ng Kamara at maging ng ilang senador na tatanggalan o tatapyasan ng CIF ang mga civilian agencies na hindi naman nangangailangan.
Samantala, sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, humiling din ng CIF ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ayon kay AMLC Executive Director Matthey David na kailangan nila ng P50-M CIF dahil sa ilalim ng Anti-Terrorism Act, ang AMLC director ang isa sa director ng Anti-Terror Council.
Iginiit ni David na kailangan nila ang CIF para ma-trace ang mga ninakaw na pera ng mga terorista at mapaigting ang kanilang intelligence work at unique investigation.
Sinabi ni David na una nilang hiling ay P30-M na CIF subalit sa kanilang pagtantya nasa P50-M ang kailangan nila. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News