Inamin na ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang nagsusulong ng resolution sa Senado upang ibasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni dela Rosa na malinaw sa draft resolution ang mga dahilan kung bakit kailangan nang ibasura ang reklamo laban sa bise presidente.
Nanindigan ang senador na sariling inisyatibo niya ito at posibleng malaman lamang aniya ni VP Sara sa paglabas ng balita sa media.
Naniniwala ang senador na kapos na sa panahon upang talakayin ang impeachment complaint at hindi rin maaaring tumawid sa 20th Congress ang proceedings.
Ang resolution aniya ay suporta rin sa stand ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na kapag hindi natapos ang pagtalakay sa impeachment sa pagtatapos ng 19th Congress ay dapat na ring maibasura ang reklamo.
Target ni dela Rosa na ihain ang resolusyon sa sandaling macollaborate ang lahat ng inputs ng mga kinokonsultang kasamahan.