![]()
Bagama’t ilang linggo nang absent si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, hindi ito saklaw ng no work, no pay policy na ipinapatupad para sa mga ordinaryong empleyado.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, wala umanong umiiral na ganitong polisiya para sa mga senador o mambabatas. Hindi aniya ito katulad ng sitwasyon ng mga regular na manggagawa o minimum wage earners na kapag umabsent ay automatic na walang sahod.
Gayunman, nanawagan si Gatchalian kay dela Rosa na magpadala ng opisyal na komunikasyon sa kanya at kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III upang maipaliwanag ang sunod-sunod na pagliban nito.
Mula rito, magpapasya aniya ang mga senador kung ano ang nararapat na hakbang para sa mga komiteng pinamumunuan ni dela Rosa.
