Naniniwala si Senador Cynthia Villar na hindi magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 19th Congress sa Lunes, July 24.
Kadalasan sa opening ng session, may pagkakataon ang mga senador na baguhin ang liderato o maaari rin namang panatilihin na lang ang mga kasalukuyang leadership.
Sinabi ni Villar na sa ngayon ay wala naman siyang naririnig na planong palitan ang mga kasalukuyang line up ng senate leaders.
Iginiit din ni Villar na mahirap at nakakaubos ng oras ang pagpapalit ng mga lider ng Kapulungan.
Sinabi ni Villar na maraming kailangang gawin ang Senado na mas dapat pagbuhusan ng oras.
Tiniyak din ng mambabatas na kuntento siya sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri at wala siyang reklamo dito. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News