dzme1530.ph

Sen. Cynthia Villar, nanindigang hindi guilty sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Walang dapat ikaguilty si Sen. Cynthia Villar sa naging pagpapalit ng liderato sa Senado.

Isa si Villar sa 15 senador na pumabor na palitan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero si dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Sinabi ni Villar na sa kabila ng change of leadership ay nananatiling maganda ang relasyon niya sa kanyang mga kasamahan kabilang na ang Solid 7 group sa Senado.

Tumanggi pa rin si Villar na isapubliko ang dahilan ng pagpapalit kay Zubiri at iginiit lamang na nakuha na ni Escudero ang mayorya ng 24 na senador kaya’t naihalal ito bilang bagong lider.

Iginiit pa ni Villar na ayaw na niyang sabihin pa ang mga alam niyang rason ng pagtalikod ng ilang mambabatas kay Zubiri.

Naniniwala rin ang senadora na naibigay naman ng bagong senate leader ang kahilingan ng mga kasamahan nito sa pamumuno sa mga kumite kasama na rin ang hindi sumuporta sa leadership change.

About The Author