dzme1530.ph

Sen. Cayetano, nanawagan ng snap elections

Loading

Upang ibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano ang pangangailangan ng pagsasagawa ng snap elections sa bansa.

Kaakibat nito ang panawagan sa lahat ng opisyal mula sa Kongreso (Kamara at Senado) hanggang sa Malacañang na magsipagbitiw upang bigyang-daan ang bagong liderato ng bansa.

Sinabi ni Cayetano na sa gitna ng malawakang eskandalo ng katiwalian, ang tanging makapagbabalik sa tiwala ng sambayanan ay ang tunay na accountability.

Sa sandaling magbitiw ang lahat ng kongresista, senador, bise presidente at presidente, wala rin umanong papayagan sa mga ito na kumandidato sa snap elections.

Iginiit ni Cayetano na ang kanyang panukala ay maituturing na symbolic at practical para sa national reset button upang ipakita na ang public service ay hindi self-preservation.

Idinagdag ng senador na kung totoong nagsisilbi ang lahat para sa taumbayan, handa silang isakripisyo ang kanilang posisyon sa ngalan ng pagpapanumbalik ng tiwala sa gobyerno.

About The Author