dzme1530.ph

Sen. Binay, binatikos ang ilang senador na nakiisa sa pagpapatalsik kay Zubiri

Palaisipan kay Sen. Nancy Binay ang paghingi ng tawad ng ilan nilang mga kasamahan kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri makaraan silang makiisa sa pagpapatalsik sa kanya.

Sinabi ni Binay na matapos ang change of leadership noong Lunes, lumapit ang mga kasamahan nila kay Zubiri para humingi ng paumanhin at nagpaliwanag.

Iginiit ng senador na kung may nagawang mali si Zubiri sa kanilang mga kasama bakit sila humihingi ng dispensa kaya malaking katanungan anya sa kanila kung ano ang naging mali ng dati nilang lider.

Nagpasaring pa si Binay na ang akala niya ay tunay na silang magkakaibigan dahil maganda ang naging samahan nila sa nakalipas na pitong taon.

Tiniyak naman ni Binay na nananatili ang suporta ng kanilang grupo kay Zubiri.

Bukod kay Binay, nananatiling kasama ni Zubiri sina Senators Loren Legarda, Joel Villanueva, JV Ejercito, Sonny Angara at Sherwin Gatchalian.

Maliban naman kina Legarda at Gatchalian, hindi na dumalo sa imbitasyon na dinner meeting sa Malacañang na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcoos Jr. ang mga miyembro ng grupo ni Zubiri.

About The Author