dzme1530.ph

Sen. Alan Cayetano, nanindigang constitutional duty ng Senado ang sumunod sa SC

Loading

Ipinagtanggol ni Sen. Alan Peter Cayetano ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, bilang pagsunod sa ruling ng Korte Suprema.

Ayon kay Cayetano, bahagi ng kanilang constitutional duty ang respetuhin at sundin ang desisyon ng Korte Suprema, na nagdeklarang “void ab initio” ang reklamo dahil sa paglabag sa one-year bar rule.

Ibig sabihin nito, itinuturing ang reklamo na hindi kailanman umiral, kaya’t walang jurisdiction ang Senado sa kaso.

Paliwanag pa ng senador, ang Saligang Batas ay isang “covenant” sa pagitan ng taumbayan at ng pamahalaan. Posibleng magkaroon ng constitutional crisis kung hindi rerespetuhin ng Senado ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Dagdag pa ni Cayetano, hindi rin maaaring igiit ang doktrina ng “operative fact” sa kasong ito, dahil malinaw na nilabag ang one-year bar rule.

Ang operative fact doctrine ay isang prinsipyo sa batas kung saan ang mga aksyong isinagawa sa ilalim ng batas na idineklarang “void” ay maaaring panatilihing may bisa kung ang kabaligtaran ay magdudulot ng kawalang-katarungan.

Sa panig ni Cayetano, hindi na dapat pinagdebatehan pa ng Senado ang reklamo, dahil mula’t sapul ay wala itong hurisdiksyon sa kaso, base na rin sa desisyon ng Korte Suprema.

About The Author