dzme1530.ph

Seminar workshop para sa binagong implementing rules and regulations ng GCTA isinagawa sa BuCor

Nagpatupad ang Bureau of Corrections ng seminar workshop alinsunod sa Republic Act 10592 para sa paghahanda sa binagong implementing rules and regulations ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Justice Usec. Margarita Gutierrez, na nagbigay ng welcome remarks sa seminar, ang binagong GCTA IRR ay isang beacon ng pag-asa para sa mga PDL na maibalik ang kanilang dignidad, at muling itayo ang kanilang buhay.

Dagdag pa ni Gutierrez, tumutulong sila sa paglikha ng isang lipunan kung saan ang hustisya ay hindi lamang ipinatupad kungdi naranasan din, isang lipunan kung saan ang bawat indibidwal, kahit na ano ang kanilang nakaraan, ay binibigyan ng pagkakataong mabawi ang kanilang kinabukasan.

Hinimok naman ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang mga dumalo na gawin kung ang lahat ng kinakailangan upang ipaalam at matulungan ang mga PDL tungkol sa kanilang GCTA.

Binigyang-diin ni Catapang ang kahalagahan ng pagtuturo sa kapwa kawani at PDLs tungkol sa GCTA, na kinikilala ng mas malalim namakaapekto sa buhay ng mga PDL sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng GCTA na ito.

Matatandaang kamakailan nag desisyon ang Supreme Court (SC), na lahat ng PDL, anuman ang kanilang mga nagawang krimen, ay may karapatang mapakinabangan ang mga benepisyo ng GCTA pagkatapos mahatulan.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author