dzme1530.ph

Self-reliance immunization effort ng Pilipinas, paiigtingin pa ng DTI

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na paiigtingin pa ng Pilipinas ang pagiging self-reliant nito sa immunization efforts, para sa kalusugan at paglaban sa mga risk na may kinalaman sa vaccine supply chains.

Ito ang pahayag ni DTI Sec. Alfredo Pascual kasabay ng pakikipag-pulong nito kay Jose Castillo, Chief Executive Officer ng Bioscience na subsidiary ng kumpaniyang Univercells, isa sa mga kilalang pangalan sa larangan ng abot kayang mga gamut.

Sa isinagawang pagpupulong sa Brussels, Belgium, tinalakay nila Pascual at Castillo ang revolutionary approach sa scaling, production at bioprocessing ng iba’t ibang produktong may kinalaman sa health and wellness.

Ayon kay Pascual, isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pilipinas ay ang mga pamumuhunan na may kinalaman sa mga bakuna at biologics na bahagi ng health at life science. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author