dzme1530.ph

Self-confessed gunman sa Percy Lapid killing, naghain ng motion to plea bargain

Naghain ng motion to plea-bargain ang isang self- confessed gunman sa Percy Lapid killing na si Joel Escorial upang mapagaan ang kinakaharap na kasong criminal.

Sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO), hiniling ng akusadong si Escorial sa Las Piñas City RTC Branch 254 na ibaba sa kasong homicide ang kinakaharap na murder case.

Hiniling sa dalawang pahinang motion na nilagdaan ni Atty. Nikki Garcia ng PAO na i-downgrade ng korte ang kasong murder sa homicide kapalit ng pag-amin ng kasalanan.

Sakaling katigan ng hukuman, si Escorial ay haharap sa parusang reclusion temporal o pagkakakulong na 12 hanggang 20 taon.

Iminungkahi rin ni Escorial na isailalim siya sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Samar dahil sa usapin ng kanyang seguridad.

Sa panig naman ng kapatid ng pinaslang na komentaristang si Percy Lapid na si Roy Mabasa, bagaman may kuwestiyon kung kuwalípikado si Escorial, pag-aaralan ito ng kanilang abogado.

Anuman anya ang kahinatnan ng mosyon ng akusado, mahalaga para sa kanilang pamilya ang makamit ang hustisya at mailagay sa kulungan ang utak sa krimen. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author