dzme1530.ph

Sektor ng turismo, nag-ambag ng P1.38-T sa economic growth noong 2022

Nag-ambag ng malaki sa ekonomiya ng bansa noong 2022 ang sektor ng turismo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng ahensya, lumalabas na ang Tourism Direct Gross Value Added (TDVGA) sa Gross Domestic Product (GDP) ay tinatayang nasa 6.2%, na mas mataas kumpara sa naitalang 5.2% noong 2021.

Ang nasabing kontribusyon noong 2022 ay katumbas ng P1.38-T, na mas mataas ng 36.9% mula sa P1-T noong 2021.

Kabilang dito ang inbound tourism expenditure na tumutukoy sa ginastos ng mga dayuhang turista at mga Pilipino na permanenteng naninirahan sa ibang bansa na nasa Pilipinas na nag-ambag ng P368.67-B noong nakaraang taon mula sa P27.63-B noong 2021.

Gayundin ang domestic tourism expenditure, o paggastos ng mga Pilipinong naninirahan sa bansa na nag-ambag ng P1.50-T. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author