Mayorya ng mga pilipino ang ang nasiyahan o satisfied sa mga programa ng gobyerno.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research sa 1,200 adult respondent noong March 24 hanggang 28, nakapagtala ng 82% satisfaction rating ang sektor ng edukasyon hinggil sa mga proyekto nito sa primary and secondary education, at sinundan ng tertiary and vocational education na may 80%.
80% din ng adult Filipinos ang satisfied sa pagtugon ng gobyerno sa mga kalamidad; 79% naman sa pagpapabuti ng imprastruktura;79% sa pagbibigay proteksyon sa mga overseas filipino worker (OFWs) at sa karapatang pantao.
Samantala, nakakuha ang administrasyong Marcos ng mababang satisfaction rating ukol sa pagtugon sa tumaas na inflation at kahirapan sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho