![]()
NABABAHALA na si Senador Christopher Bong Go sa lumalalang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi ni Go na kailangan na nangangailangan na ang sektor ng agrikultura ng matinding suporta mula sa gobyerno.
Ipinaalala ng senador na ang mga ito ang frontline food producers kaya’t dapat silang ayudahan kahit pa ikalugi ng gobyerno.
Sinabi ng mambabatas na may mga pagkakataon na hindi na pumapalaot ang mga mangingisda habang ang mga magsasaka naman ay hindi na tiyak kung makakapagtanim pa.
Ipinaliwanag ni Go na bagama’t tumataas ang presyo ng pagkain ay hindi naman tumataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda at katunayan ay lumiliit pa.
Iginiit ng seandor na dapat aksyunan agad ito at hindi na puwedeng maghintay pa habang lalong nahihirapan ang ating mga kababayan.
