dzme1530.ph

Seguridad ni expelled Rep. Teves, tiniyak ng NBI

Loading

Tiniyak ng NBI ang seguridad ni former Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa paglipat sa kaniya sa New Bilibid Prison, ngayong umaga.

Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay para sa seguridad ni Teves lalo na at may banta umano sa kaniyang buhay.

Si Teves ay ililipat sa NBI Facility sa Building 14 sa Maximum Security Compound kung saan siya ikukulong.

Dumating na rin sa tanggapan ng NBI si Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, kasama ang ina ng dating kongresista.

About The Author