Mahigpit na magbabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga itinalagang checkpoints sa lungsod ng Maynila.
Ito’y upang masiguro na walang anumang krimen o hindi inaasahang insidente ang magaganap sa muling pagbabalik ng mga nagbakasyon ngayong Semana Santa.
Bukod dito, nais rin ng MPD na magabayan ang mga motorista lalo na ang mga nais bumisita sa ilang tourist spots sa lungsod.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, maging ang mga help desk na itinalaga sa mga terminal ng bus at pantalan ay siguradong palaging may nakaposteng pulis upang may malapitan ang mga nangangailangan o may mga katanungan.
Patuloy rin ang pagpapatrolya ng ibang tauhan ng MPD para masiguro ang kapayapaan at kaayusan kung saan inaasahan nila na dadagsa ang mga pasahero mamayang hapon hanggang gabi. —sa ulat ni Felix Laban