Pinare-review ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa intelligence, security and operations unit ng ahensiya ang security policies at procedures upang maiwasan ang mga lapses.
Ang direktiba na ito ay kasunod ng extraction attempt sa Chinese national noong Abril 7, na naganap sa service road ng CAVITEX sa Parañaque City.
Target sa pag-atake ang isang sasakyan ng BJMP na nagdadala kay Chinese PDL Hu Yang, 37-taong-gulang na nahaharap sa Anti-Carnapping Act Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang kaso ni Hu Yang ay sinasabing nauugnay ito sa isang kidnapping syndicate at brutal na pamamaraan, kabilang ang pagpapahirap at pagpatay sa mga biktima.
Bukod dito, pinaghahanap din ito ng Chinese authorities dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping case sa Jinjiang City.
Pinangako ni Catapang na palakasin ang mga hakbang sa seguridad na sumasalamin sa isang aktibong diskarte upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap.