dzme1530.ph

Security plans para sa Paris Olympics, ninakaw sa tren

Ninakaw ang bag na naglalaman ng computer at dalawang memory sticks na pinaglalagyan ng police security plans, para sa Paris Olympics, mula sa isang tren sa Gare Du Nord Station.

Ayon sa pulisya, ang bag na pag-aari ng isang Engineer mula sa Paris City Hall, ay nakalagay sa luggage compartment na nasa itaas ng upuan nito.

Dahil delay umano ang pag-alis ng tren, nagpasya ang engineer na magpalit ng ibang masasakyan at dito niya nadiskubre na tinangay ang kanyang bag.

Iniimbestigahan na ng Regional Transport Police ang naturang insidente.

About The Author