Tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa natitirang New People Army sa gitna ng mga relief operation sa pananalanta ng bagyong Egay.
Ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr., bagaman tumutulong ang sandatahang lakas sa mga relief and humanitarian response ay hindi ibig sabihin nito na ipagpapaliban ang threat sa internal security ng bansa.
Dagdag ni brawner na nagpapatuloy ang operasyon lalo na sa mga makakaliwang grupo at rebeldeng kumunista.
Binigyang-diin ni Brawner na maging aral ang nangyari noong nakaraan na kung saan inambush ng mga rebeldeng grupo ang mga sundalong tumutulong sa isang kuminidad para magbigay ng relief goods hanggang sa kunin ito ng mga rebelde. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News