dzme1530.ph

Security measures para sa darating na ASEAN meeting sa Boracay, nakalatag na ayon sa PNP

Loading

Handa na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police para sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Senior Officials’ Meeting na gaganapin sa Boracay Island, Aklan mula Dec. 10 hanggang 13.

Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., may nakadeploy na 1,500 pulis mula sa Police Regional Office 6 upang manguna sa pagtiyak ng seguridad para sa humigit-kumulang 200 delegado na bibisita sa isla.

Ilan sa mga babantayan ng otoridad ang mga kritikal na lugar sa Boracay gaya ng ports, beaches, at hotels. Magsasagawa rin ang PNP ng checkpoints, CCTV monitoring, at deployment ng mga highly trained personnel.

Giit ni Nartatez, nakabatay sa protocol at karapatan ng bawat tao ang bawat operasyon. Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng ASEAN meeting sa bansa.

About The Author