dzme1530.ph

Sec. Sonny Angara, magta-trabaho pa

Loading

Isang araw matapos magsumite ng courtesy resignation, patuloy ang pagganap ni Education Secretary Sonny Angara sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng Department of Education, sa harap ng nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ayon sa Media Relations Officer ni Angara na si Dennis Legaspi, tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ng Kalihim, at full blast ang kanilang preparasyon para sa papasok na School Year 2025-2026.

Aniya, makakasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Angara sa Ilocos Norte bukas, para sa opening ng taunang Palarong Pambansa.

Idinagdag ni Legaspi na hangga’t wala pang desisyon ang Malakanyang sa courtesy resignation na isinumite ng Kalihim kahapon ay magpapatuloy ang lahat ng programa ng DepEd.

Itinakda ng Education Department ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa ika-labing anim ng Hunyo.

About The Author