![]()
GINISA ni Senador Raffy Tulfo si Tourism Secretary Christina Frasco sa pagdinig kaugnay sa nagkalat na mukha ng kalihim sa mga tourism promotion materials sa halip na mga tourist destination.
Ipinakita ni Tulfo sa pagdinig ang mga nagkalat na larawan ng kalihim hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.
Ipinaliwanag naman ni Frasco na may mga pagkakataon na ginagamit ng local tourism office ang kanyang larawan nang wala siyang pahintulot.
Sinabi ni Tulfo na hindi naakma sa promotion ang larawan ng kalihim kaya’t lumalabas na ang sarili niya nag pinopromote sa halip na ang mga tourist destination.
Iginiit ni Frasco na ginagawa lamang niya ang lahat ng makakaya upang ipromote ang turismo ng bansa kasabay ng pagdiin na walang rason na ipromote ang sarili dahil wala siyang planong kumandidato sa national position.
