dzme1530.ph

Sec. Diokno, tinawag na spekulasyon ang ulat na siya ang mamumuno sa Maharlika Investment Corp.

Tinawag na ispekulasyon ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang ugong-ugong na siya ang mamumuno sa Maharlika Investment Corporation (MIC).

Ayon kay Diokno, hindi siya nagko-komento sa mga bagay na galing sa tsismis.

Mababatid na lumabas ang ulat na papalitan na umano si Diokno ni Cong. Ralph Recto sa Department of Finance.

Ito ay upang bigyang-daan umano ang kanyang pagiging president at chief executive officer ng MIC.

Ang MIC ang mamamahala sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author