Isinisi ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairperson Francis Lim sa flood control scandal ang pagkawala ng ₱1.7 trilyon na market value sa loob lamang ng tatlong linggo.
Ipinunto ni Lim na apektado ng mga anomalya sa flood control projects ang public confidence, dahilan upang magbenta o umalis ang ilang investors dahil sa mahinang integridad ng merkado.
Sinabi pa ng SEC Chairperson na paalala ito na ang katiwalian ay isang “weapon of wealth destruction.”
Samantala, ayon kay ekonomistang Prof. Emmanuel Leyco, walang papatol na investors sa imbitasyon ng Pilipinas na mamuhunan sa bansa kung talamak ang katiwalian.