dzme1530.ph

SEC, binalaan ang mga mapang-abusong lending companies

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga mapang-abusong lending companies dahil sa pagsirit ng ng natatanggap nilang reklamo laban sa mga ito.

Ayon sa SEC, karamihan sa mga idinudulog sa kanilang tanggapan ay ang ginagawang pagbabanta ng ilang online lending companies sa mga kliyente na bigong makapagbayad sa tamang oras.

Dahil dito pinaalala ng SEC na isa itong iligal na hakbang batay na rin sa Financial Products and Services Consumer Protection Act kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang pagbabanta ng mga online lending company sa paniningil ng pautang.

Ang sinumang mapatutunayang lumabag dito ay mahaharap sa limang taong pagkakakulong at multa na aabot sa P2-M. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author