dzme1530.ph

Scheduling ng joint military drills sa Australia, naka-depende sa init ng tensyon sa WPS —Pangulo

Nakabatay sa init ng tensyon sa West Philippine Sea ang pag-schedule o pagtatakda ng joint military drills ng Pilipinas at Australia.

Ito ay sa harap ng commitment ng Australia sa joint exercises isang beses sa kada dalawang taon.

Sa media interview bago umuwi ng bansa mula sa Melbourne, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging kritikal ang scheduling ng joint military drills, at dedepende ito kung tumataas ba o bumababa ang lebel ng tensyon at banta sa WPS.

Iginiit naman ni Marcos na makikinabang ang mga Pilipino sa joint exercises hindi lamang sa depensa at seguridad, kundi pati sa paghahanda at pag-responde sa mga kalamidad.

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat ihinto at patuloy dapat na isulong ang joint military drills.

Samantala, bukas din ang Pangulo sa usaping gawin nang taunan o yearly ang Philippines-Australia Joint Exercises.

About The Author