Nasakote ng Philippine National Police ang halos 30 Chinese nationals sa isang umano’y scam hub sa Pampanga.
Ayon kay PRO-3 Regional Dir. BGen. Rogelio Peñones, unang naaresto ang 24 na Chinese habang nagsasagawa ng cryptocurrency investment scam sa loob ng Asian Greenville Resort sa Brgy. Jose Abad Santos, Mabalacat City.
Nasagip din ang walong Filipina sa lugar.
Kasunod nito, nagsagawa ng follow-up operation ang PNP sa Unit 31, Clark Hills Village D, Sacobia Street, kung saan naaresto ang tatlong Chinese na sangkot umano sa phishing at iba pang online scam.
Nasabat ang ilang computer workstations at electronic devices na isinasailalim ngayon sa forensic examination.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa lawak ng operasyon at kung may iba pang sangkot sa scam hub.