dzme1530.ph

Scam hub sa Makati sinalakay ng Immigration at PNP-CIDG; 86 na dayuhan, arestado

Loading

Inihayag ng Bureau of Immigration ang pagkakaaresto sa 86 foreign nationals na kinabibilangan ng 82 Chinese, 3 Malaysians at isang Vietnamese na nagtatrabaho sa isang scam hub sa Makati City.

Inilunsad ang operasyon ng BI Fugitive Search Unit, sa pakikipagtulungan ng PNP-CIDG at National Capital Region Field Unit, base sa isang mission order na inisyu ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Ayon sa report na natanggap ng CIDG-NCRFU, mula sa isang Chinese sa pamamagitan ng WhatsApp na sinasabing labag sa kanyang kalooban na magtrabaho bilang scammer at hindi siya pinapayagan na umalis sa lugar ng trabaho.

Kasunod ng pagsalakay ng CIDG natukalasan na ang sindikato ay gumagamit ng e-commerce at mga taktika ng love scam upang kumita ng iligal.

Ang mga naarestong dayuhan ay sumasailalim sa legal booking procedures at dokumentasyon, bago sila ibalik sa Bi Warden’s Facility (BIWF) sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.

About The Author