Kinumpirma ng Supreme Court na nakatanggap sila ng anonymous complaint para sa disbarment ni Vice President Sara Duterte, kasunod ng pahayag na ipahuhukay niya ang bangkay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Camille Ting na natanggap nila ang reklamo nito lamang buwan ng Nobyembre, at hintayin na lamang aniya ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman sa naturang usapin.
Matatandaang nagbanta si VP Sara na ipahuhukay nito ang bangkay ng dating Pangulo at itatapon ito sa West Philippine Sea kung hindi titigil ang mga pag-atake laban sa kanya.
Inihayag naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinag-aaralan nila ang posibleng legal consequences ng komento ni Duterte na lumabis na umano sa “moral principles.” —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera