Mariing inamin ng Supreme Court Judicial Records Office na natanggap na nila ang inihaing petisyon sa Korte Suprema ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment case laban sa kaniya.
Kung saan alas-9 nitong Martes, Pebrero 18, nang ihain ang petition for certiorari and prohibition.
Kabilang sa mga respondent ng petisyon, sina House Speaker Martin Romualdez, House Secretary General Reginald Velasco at Senate President Francis Escudero.
Nakasaad sa petisyon, iginigiit ng kampo ng Bise Presidente ang paglabag sa konstitusyon ng proseso ng impeachment complaint laban sa kaniya.
Nilabag umano ang Section 3(5) ng Article XI ng Konstitusyon o ang tinatawag na “one-year bar” sa paghahain ng impeachment.
Matatandaan na noong February 5, nang maaprubahan ang ika-4 na impeachment complaint kay VP Sara sa Kamara matapos makakuha ng 215 na pirma mula sa mga mambabatas.