Inanunsyo ng Korte Suprema na suspendido ang lahat ng Court Activities simula mamayang alas dose ng tanghali, sa lahat ng lebel bilang paghahanda para sa Bagong Taon.
Inihayag din ng Supreme Court (SC) na lahat ng court activities sa lahat ng lebel ay suspendido rin sa January 2, 2023, araw ng lunes matapos itong ideklara bilang non-working holiday.
Gayunman, nilinaw ng korte na hindi kasali rito ang Court Personnel na kailangang magproseso ng Bail, Orders of Release o iba pang Writs of Liberty, mga nagsisilbi ng Protection Orders, at iba pa na nasa diskesyon ng mga Hukom.
Magbabalik ang operasyon ng lahat ng Korte sa bansa sa January 3, 2023, araw ng Martes.