![]()
Inanunsyo ng SB19 sa Instagram na magtutungo sila sa Japan sa Agosto para sumali sa international lineup ng Summer Sonic Festival 2026.
Nakatakdang mag-perform ang grupo sa Aug. 15, sa Tokyo stage, kasama sina Jennie ng Blackpink, David Byrne, at Alex Warren.
Gaganapin ang Summer Sonic sa Zozo Marine Stadium and Makuhari Messe sa Tokyo at sa Expo ‘70 Commemorative Park sa Osaka, simula sa Aug. 14 hanggang 16.
Siguradong magiging busy ang P-pop kings bago ang Summer Sonic, dahil naka-schedule din silang mag-perform sa Lollapalooza 2026 sa July 30 sa Grant Park sa Chicago, Illinois, bilang kauna-unahang Philippine act na magtatanghal sa isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo.
