Sinimulan na ng gobyerno ng Saudi Arabia ang pagbabayad ng compensation para sa nasa 10,000 Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho matapos ma-bangkarote ang pinagta-trabahuhan nilang construction companies noong 2015 at 2016.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakapag-proseso na ang Overseas Filipino Bank at Land Bank ng 1,104 indemnity cheque mula sa Alinma Bank ng Saudi, na nagkakahalaga ng kabuuang P868.74 million.
Sinabi pa ni Marcos na sa nasabing 1,104 indemnity cheques, 843 ang cleared at credited na, na nagkakahalaga ng halos P700 million.
Tiniyak ng Pangulo na ipagpapatuloy ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman ang pangakong pagbabayad ng insurance claims sa displaced OFWS. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News