dzme1530.ph

Satisfaction rate ni VP Sara, bahagyang tumaas noong December 2023 —SWS

Bahagyang tumaas sa 73% ang Public Satisfaction Rate ni Vice President Sara Duterte noong katapusan ng 2023, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa pag-aaral na isinagawa noong December 8 hanggang 11, 2023, lumabas na 12% lamang ang hindi satisfied sa pangalawang pangulo, habang 14% ang undecided.

Mas mataas ang nakuhang satisfaction score ni VP Sara noong December 2023, kumpara sa 72% rating noong September ng kaparehong taon.

Nasa 61% naman ang Net Satisfaction Score ni VP Sara, na mas mataas kumpara sa ibang top government officials kabilang sina Senate President Juan Miguel Zubiri na may 44%, House Speaker Martin Romualdez, 28% at Chief Justice Alexander Gesmundo, 32%.

About The Author