Tatanggap na rin ng cash assistance mula sa gobyerno ang mga may-ari ng sari-sari stores na nagtitinda ng bigas.
Ito ay sa harap pa rin ng patuloy na pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas.
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakatakda nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash aid sa sari-sari store owners simula ngayong araw Setyembre a-25, hanggang Setyembre a-29.
Magiging katuwang ng DSWD ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtukoy sa mga benepisyaryo.
Matatandaang una nang binigyan ng 15,000 pesos na livelihood assistance ang rice retailers sa mga palengke. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News