dzme1530.ph

Sardines manufacturers, humiling sa Kongreso na amyendahan ang Fisheries Code of the Philippines

Umapela sa pulong balitaan sa Maynila ang mga manufacturer ng sardinas sa mga mambabatas na amyendahan na ang Fisheries Code of the Philippines.

Ito ay dahil kakaunti na ang mga isdang tamban na nahuhuli sa malalayong karagatan ng bansa.

Ayon kay Francisco Bombit Buencamino, Chairman ng Canned Sardines Association of the Philippines at Chairman ng Tuna Canners Association of the Philippines, halos wala na silang mahuling isdang tamban na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng sardinas.

Sa kanilang monitoring, karamihan ng isdang tamban ay nasa malalapit na shoreline kung saan bawal naman manghuli ang mga commercial fishing vessel.

Sa ilalim kasi ng Fisheries Code, 10 kilometers away mula sa shoreline ay deklaradong Municipal waters at hindi ito maaaring pangisdaan ng mga commercial fishing vessel.

Bukod sa nasabing batas, may pinaiiral pang closed fishing season sa tamban na nagiging dahilan para kumonti ang suplay nito.

Para daw maibsan ang kakulangan sa isdang tamban, hinihingi nila na payagan ang mga commercial fishing vessel na manghuli ng tamban sa Municipal waters.

Taun-taon, nasa 1.2-B na lata ng sardinas ang kinakailangan ng Pilipinas ngunit dahil kapos sa isdang tamban ay maaaring maapektuhan ang suplay nito sa merkado. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author