dzme1530.ph

SARAH DISCAYA, NAGPASOK NG NOT GUILTY PLEA SA MGA KASONG CORRUPTION AT MALVERSATION

Loading

SARAH DISCAYA, NAGPASOK NG NOT GUILTY PLEA SA MGA KASONG CORRUPTION AT MALVERSATION

Naghain ng not guilty plea ang contractor na si Sarah Discaya sa corruption at malversation of fund charges na isinampa laban sa kanya sa isang korte sa Cebu.

Binasahan ng sakdal si Discaya at walong iba pang opisyal ng Department Of Public Works and Highways (DPWH) sa Lapu-Lapu Regional Trial Court Branch 27.

Ang mga isinampang kaso ay may kaugnayan sa 96.5-million peso ghost flood control project sa Davao Oriental.

Si Discaya ang may-ari ng St. Timothy Construction, ang kumpanyang nasa likod ng kontrobersyal na proyekto.

About The Author