![]()
Naghain ng petition for bail ang contractor na si Sarah Discaya at si Roma Rimando ng St. Timothy Construction sa kanilang kasong malversation of public funds dahil sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Atty. Cornelio Samaniego iii, legal counsel ng dalawa, inihain ang bail petition sa Lapu-Lapu City Regional Trial Court branch 27.
Matatandaang noong December 2025, inihain ng Office of the Ombudsman ang mga kasong malversation at graft laban kay Discaya at iba apang akusado dahil sa 96.5 million pesos na halaga ng flood control project sa Davao Occidental.
Naghain naman ng not guilty plea sina Discaya at Rimando na nananatili ngayon sa Lapu-Lapu City Jail.
