![]()
Posibleng i-detain ang kontrobersyal na contractor na si sarah discaya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng Bureau of Corrections (BUCOR), partikular sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay NBI Director Lito Magno, ito ay kung kakatigan ng korte ang apela ni Discaya na mailipat ito ng kustodiya.
Sinabi ni Magno na mayroon silang detention facility para sa kontrobesyal na contractor sa building 14 ng BuCor na nasa loob ng maximum security compound ng NBP.
Si Discaya, kasama ang walo pang co-accused ay inaresto at kasalukuyang nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail sa Cebu sa kasong graft at malversation of public funds.
